3.26.2009

Nora Aunor on a come back film


I a blind item, there was a news that a US-based multi-awarded actress demanded 10 million and a living quarter for a come back movie offered by a reputable movie producer.

Is that you Nora Aunor?


Iba't ibang reaksiyon ng fans ang nakarating sa PEP (Philippine Entertainment Portal) kaugnay ng latest issues na involved ang Superstar na si Nora Aunor. Kung tutuusin ay hindi na rin bago ang mga reaksiyon ng mga tagahangang patuloy na nagtatanggol kay Nora, kahit malaon na siyang naninirahan sa U.S.



Itinuturing pa rin siyang Superstar ng mga masugid na tagahanga at tagapagtanggol na mula sa local press o media. Kabi-kabila man ang naiuulat na "hindi kagandahan at kasaganahang takbo ng buhay" sa U.S. ay patuloy ring nababanggit ang matatagumpay na pagkakaroon ng series of shows/concert performances ni Ate Guy sa iba't ibang U.S. key cities.



Ang ibang ulat naman, hindi rin kaiga-igaya dahil madalas nagkakaroon ng problema si Ate Guy sa mga producer ng shows doon at pati sa isang publicist/promoter na dating taga-local media.



COMEBACK FILM? Lately, marami ang ispekulasyon na magbabalik sa bansa si Nora upang gumawa umano ng pelikula.



Ang naririnig namin, mula sa kampong nagtataguyod sa aktres—mga taga-press na dating die-hard Noranians at mga fans na miyembro ng samahang GANAP at ICON, o International Circle of Online Noranians—matutuloy na umano ang paggawa ni Nora ng pelikula sa ilalim ng Star Cinema-ABS-CBN Productions, Inc.



Kung mayroon man umanong senyales ukol dito, ito'y ang nakaraang pagpunta sa U.S. ni Ms. Charo Santos-Concio—pangulo ng ABS-CBN at ng movie production outfit ng network, ang Star Cinema—nang manood siya ng Oscar Awards rites; posible umanong nagkaroon din ng pagkakataong maka-meeting ni Charo si Nora.



Pero wala pang kumpirmasyon ukol dito. Puro ispekulasyon lamang.



"Hindi Star Cinema ang Star Cinema kung wala silang na-produce na pelikulang bida si Nora Aunor. 'Yan ang tiyak at totoo, kaya gusto ni Charo Santos na matuloy si Nora sa paggawa ng pelikula sa kumpanya nila," wari'y tiyak sa sinasabi ang nakausap naming Noranian mula sa press at kabilang sa ICON.



Sa mga nababasa naming e-mail messages mula rin sa mga tagahangang US-based, nalaman naman namin ang tungkol sa pinaplanong gawing digital movie doon, na si Nora ang magbibida at ang magiging direktor niya'y ang premyado ring si Celso Ad. Castillo. Ang title ng pelikulang digital: Do Filipinos Cry In America?

No comments: