Kaya pala walang imik si Kris Aquino tungkol kay Grace Lee, ang disc jockey na nababalitang idinidate ng kanyang kapatid . Ayaw daw niya. Ako rin.
Ito ang balita:
Grace Lee hindi type ni Kris Aquino para kay PNoy
KASING taas pala ng isang arko ang kilay ni Kris Aquino kapag nababanggit ng mga kaibigan niya ang pangalan ni Grace Lee, kasabay nito ay panunukso para sa kapatid niyang si President Noynoy na umano’y masugid ngayong nanliligaw sa nasambit na TV-Host at alaga ng talent manager na si Arnold V.Sobrang pag-ayaw at pagtanggi raw talaga ni Kristeta rito kay Grace Lee para sa kanyang kapatid. Pero sa kabila nito’y may mga nag-react kay Kris na bakit hindi na lang daw n’ya hayaan kung sino ang napupusuan ng kanyang Kuya PNoy?
Mas maigi na raw na magkaroon ng lovelife ang ating Pangulo para mas lalo itong ganahan sa kanyang mga trabaho sa Malacañang at pagdedesisyon para sa ating bansa.
No comments:
Post a Comment