Hindi sigurado ang mga producers na kikita ang pelikula ni Pokwang na matagal na nakatingga kaya ipinalabas na ito sa Estados Unidos. Saka lamang ipapalabas ito sa Enero dito sa Pilipinas.
Ito ang balita:
Walang keber si Pokwang kung sabihin pang ngayon lang siya binigyan ng launching movie na A Mother’s Story ng ABS-CBN samantalang ang tagal na niyang artista ng network. Ok lang daw sa kanya kung ngayon lang siya nabigyan kaysa sa wala raw.
Very proud siya sa pangyayaring siya ang first and only choice ni Gabby Lopez na magbida sa movie and the fact na kinunan ito entirely sa States at unang movie na pinroduced mismo ng TFC!
Nakari-relate siya sa movie na tungkol sa isang OFW kasi nag-OFW rin siya noon bago siya nag-artista, sa Japan nga lang at hindi sa States. At napaluha siya nang gunitain niyang namatay ang kanyang 6 year-old son noon nang hindi man lang niya nakapiling kasi hindi siya pinayagan na makauwi ng kanyang amo.
Huwag daw ikumpara ang movie niya sa Anak ni Vilma Santos na ipinalabas 11 years ago.
Iba raw ang atake nila dito sa buhay ng isang OFW.
***
No comments:
Post a Comment