Si Kris Aquino ang itinuturo ni Sucaldito na nag-utos sabotahehin ang pelikulang Asiong Salonga. Dati magkaibigan itong dalawa. Nagkasira lang nang kampihan ni Kris si Sweet.
Hindi pinatulan ni Kris ang paratang na ito.
Ito ang balita:
MUKHANG walang balak si Kris Aquino na patulan ang mga patutsada ni Jobert Sucaldito tungkol sa diumano’y pananabotahe n’ya para maunang matapos ang 51 prints ng Segunda Mano kesa Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story na parehong sa SQ Laboratories ginawa. Sa Facebook nagpatutsada si Jobert bilang publicist ng kontrobersyal na Manila Kingpin.
Parang di naman yata nagpi-Facebook si Kris, eh. Wala siguro siyang panahon sa Facebook kung saan maraming kaeklatan ang mga social climber na jolog at mga bisexual na nagpapa-subscribe para makahanap sila ng kapwa bisexuals na makaka-sex nila at mga desperadong bading na handang magbayad sa mga maskuladong bisexuals na gaya nila for sex and companionship.
Ang sigurado kaming mero’n si Kris at pinag-aaksayahan n’ya ng katiting na panahon ay Twitter account na @itsmekrisaquino. Isa kami sa abot na sa limang milyong followers n’ya. Habang sinusulat namin ito, ang nabasa naming latest tweet n’ya ay tungkol sa pagdu-donate daw nila ni Dingdong Dantes ng 10 porsyento ng first-day gross income nila sa Segunda Mano bilang producers (siguradong alam n’yo nang silang dalawa rin ang pangunahing bituin ng nasabing 2011 Metro Manila Film Fest entry).
Ang 50 porsyento daw ng kikitain ng pelikula ay mapupunta sa Star Cinema, at yung kalahati ng kita ay sa kanila nina Dingdong at Edgar Mangahas (na, actually, ay business partner ni Kris sa pagpoprodyus ng pelikula). Yung sampung porsyento sa 50 porsyento nilang tatlo ay idu-donate nila sa mga nasalanta ng bagyong Sendong. Umabot sa P18.25M ang kinita nito nung opening day ng film fest, ayon mismo kay Kris. Mga P9.12 million ang kalahati nu’n, at ang 10 percent naman nito ay more than P900,000 na siyang nakatakdang i-donate nina Kris at Dingdong sa mga nasalanta ni Sendong. (Wala kaming idea kung gaano katagal bago makuha ng mga producer ang pera sa mga sinehan, bagama’t alam namin na may panahong nagkaasaran ang Star Cinema at at SM theater management dahil sa tagal mag-remit ng pera ng SM sa Star Cinema).
Samantala, sa isa sa mga napakadalang na tweets ni Kris, inamin n’yang bumaba nang 20 percent ang kita sa takilya ng Segunda Mano nung second day. Ewan lang kung di mas bumaba pa ang kita ng Segunda Mano pagkalabas ni Mario Bautista ng review ng pelikula sa isang tabloid, sa Facebook, sa website n’yang Showbiz Portal, at sa Twitter feed n’ya.
Halos walang nakitang maganda si Mario sa Segunda Mano!
Wala nga raw elemento ng originality ang plot ng pelikula. Kopya lang daw ang karamihan sa mga eksena sa iba’t ibang Hollywood movies.
At di naniniwala si Mario na may karapatang manalo ng award si Dingdong para sa acting n’ya sa pelikula. Napakababaw daw ng acting ni Dingdong para manalo ng award. And, actually, ayon pa rin kay Mario, ni ang acting nina Anjelica Panganiban at Bangs Garcia sa pelikula ay di pang-award.
May rebyu na rin nga pala siya ng Manila Kingpin at ang nagandahan lang siya sa pelikula ay sa black-and-white cinematography nito. (Caveat: may kaibigan kaming ang paniwala ay siguradong nagagandahan lang si Mario kapag ang niri-review n’ya ay proyekto na involved ang kaibigan n’yang scriptwriter na si Gina Marissa Tagasa.)