Ang pagkakaalam ng marami si Suzette Ranillo ang nag-ayos ng pagbabalik ni Nora Aunor sa Pilipinas. Pero bakit kaya marami ng pumapapel? Dahil ba sa malaki niyang talent fee?
HOW true na nagkakagulo ngayon sa paligid ni Nora Aunor? Totoo ba na pinag-iinitan at malapit nang mawala ang isang taong laging kasama ng aktres?Siya raw ang pinagbibintangan na nagkakalat sa tamad-tamaran isyu kay Ate Guy kaya hindi nakasipot sa second shooting day ng “El Presidente.” Kesyo dumating na raw kasi si John Rendez at ayaw mag-work ng superstar.
Pero ayon naman sa paliwanag, di naman daw true yun, nag-report daw si Aunor sa set na napakataas ng lagnat. Kesyo meron pang doktor na tumingin daw rito na nagsabing dapat munang magpahinga ang aktres ng mga dalawa o tatlong araw.
At saka na-pack up ang shooting ng superstar nung Sabado ng hapon. Kinabukasan pa ng umaga dumating si John. Kawawa naman si John na laging itinurong dahilan ng hindi pagsu-shoot ng phenomenal actress.
Anyway, balita namin, nag-last shooting na si Ate Guy sa El Presidente’ nu’ng Sunday at nag-start na rin ang taping niya ng “Sa Ngalan ng Ina” ng TV5 nu’ng Monday.
Heto pang isang intriga, sina Suzette Ranilio raw at si Kuya Germs ay nagbabangayan din dahil nga kay Nora Aunor. Isang mapagkakatiwalaang source ang nagkuwento sa amin na ayaw daw kilalanin ni Suzette si Kuya Germs bilang manager ni Nora Aunor. There is this notion na insecure si Suzette who plays God pagdating sa mga desisyon tungkol kay Nora Aunor. “Hindi ko kinikilala si Kuya Germs na manager ni Guy,”statement diumano ni Suzette.