Among the popular couple, I like Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo. I do not like her manager though who wants her ward to remain single. Sheesh. Matanda na si Juday, gusto pa rin niyang controlin?
From PEP.
GETTING READY TO SETTLE DOWN. Isa nga raw sa mga inaasikaso ni Juday ngayon ay ang bagong bahay na titirhan nila ni Ryan Agoncillo—her boyfriend of four years—once na makasal na silang dalawa.
"Mas nandoon kami sa pagpaplano kung papaano namin mabibili ang bahay. Kung papaano namin mababayaran. Pabuo pa lang. Kasi, noong makita namin ang bahay, medyo may finishing pang mangyayari, e. At saka, yung mga tiles kinakabit pa. Yung kitchen, hindi pa buo. Actually, hindi pa talaga buo! Mabubuo siya, hopefully, by March or April."
Sey rin ni Juday, "Kung mangyari yung kasal ng April, maaaring by April, may mga gamit na dun. Hindi naman pupuwedeng pagkatapos ng reception, saan na tayo tutuloy? Hindi puwede yung ganoon! Kailangan maayos ang buhay namin pagkatapos ng kasal."
Pagkatapos ba ng kasal, makakasama na rin nila ang adopted daughter na si Yohan?
"Of course, si Yohan kasama. At saka, yung bahay naman namin sa Commonwealth, ano talaga yun, kumbaga, I promised to myself na time will come, ibibigay ko sa mommy ko yun. Ipapa-renovate ko rin ang bahay. Kasi, gusto kong gawin na mas maluwang yung kuwarto niya. ‘Tapos yung kuwarto ko ngayon sa bahay, gagawin kong dalawang kuwarto para sa mga kapatid ko or sa amin."
MOMM Y CAROL. Sa nalalapit na pagpapakasal ni Juday, hindi raw siyempre maiaalis kay Mommy Carol ang malungkot.
"Nandoon yung acceptance na, ‘O sige, dahil treinta ka na,' nandoon yung, ‘Puwede ka nang pakasal.' Siyempre, nandoon yung lungkot. Pero, nandoon din yung I have to face it because If I won't, hindi ko mararanasan ang buhay kung paano maging isang asawa, maging isang ina.
"At saka, naituro na rin naman sa akin ni Mommy ang lahat. Hindi rin naman ito ibig sabihin na kapag nagpakasal ka, ide-detach mo ang sarili mo sa pamilya mo. Siguro, it's just about time na isipin mo naman ang sarili mo."
TITO ALFIE'S VIEW. Pero kung ang manager naman daw ni Juday na si Alfie Lorenzo ang tatanungin, iba naman ang paniniwala nito.
"Palagay ko, hindi naman kailangang mag-wedding-wedding pa. Kasi nowadays, ang mas popular, kung sino ang nag-separate na kasal. Just enjoy the moment, whether kasal kayo or hindi. Hindi na kailangan ng wedding."
KEEPING IT SIMPLE. Anyway, both Ryan and Juday's idea on their wedding is simple. Kung may budget man daw sila, malamang na idaos daw ito out-of-town. In fact, sa kasimplehan nga ng seremonya, hindi raw yung kagaya ng ibang kasal na maraming tatayong ninong at ninang.
"Totoo po na dalawang couple lang. As much as possible, yung mga kinukuha naming ninong at ninang, ito yung mga taong nakita kami na maging magkaibigan muna bago kami.
"So, ito yung mga taong pinagkakatiwalaan namin ng relasyon namin kung saka-sakali at anuman ang mangyari, sila ang puwede naming takbuhan at lapitan. Hindi naman dahil sa pera lang, e, hindi..."
Pero totoo nga bang ayaw nila ng media coverage sa araw ng kasal?
"We really wanted it to be a personal and private wedding, so...but, hindi naman ibig sabihin nun na banned sila. Of course not, hindi... Hindi rin naman namin puwedeng kalimutan ang lahat ng media na prumotekta rin naman sa amin. Of course not, hindi. Siguro panaka-nakang photos and videos, yung ganoon.
"Pero ise-share rin namin. Of course, naiintindihan ko rin na kahit papaano, gusto rin na makita ng mga tao yung araw na ikakasal ako."