8.25.2008

Judy Ann Santos pregnant?

First the intrigue...


"Nagulat nga ako nung marinig ko ‘yan. Yung, ‘Ha? Saan nanggaling ang isyu na ‘yan?' Para sa akin, yung pagbubuntis, isang bagay na hindi ko naman itinatago. Dapat ko pa nga ika-proud yun dahil 30 na ako. Ipagsisigawan ko sa buong mundo kung buntis na ako. Hindi ako buntis!" ulit ni Judy Ann.


Then the good news:


Ibinalita sa Entertainment Live! noong Sabado, August 23, na malapit nang ipalabas ang nurserye ni Judy Ann Santos sa ABS-CBN na pinamagatang Humingi Ako Sa Langit. Bukod dito, magiging editor-in-chief din si Judy Ann sa isang special edition ng isang magazine na lalabas ngayong Oktubre.



Juday has been in the showbiz for decades now and she is one of the level headed celebrities that I've known.

I also approve of her choice of the boyfriend. I am a fan. I admit.

Marjorie Barreto speaks out


I tried to look for the reason why Marjorie Barreto split with Dennis Padilla from this article which said that this was the proper timing to speak.

"I could have gone out of the open at sabihin kung bakit talaga kami naghiwalay," Marjorie said about her ex-husband. "There was a major setback bilang asawa. Matiisin naman tayong mga babae kahit ano tatanggapin mo, but something happened along the way. Something that was caused by him na irreversible." She said that she wanted to protect Dennis but emphasized that whatever wrongdoing that Dennis did, it was enough for the annulment to be granted at the soonest time.


NADA.

Even in this statements...

"I think I was a good wife. With the fact that hanggang ngayon, eh mahal pa rin ako ng ex-husband ko, it only means that I was a good wife," Marjorie stated. When The Buzz host Boy Abunda asked her what message she wanted to tell Dennis, Marjorie asked for her former husband’s forgiveness because she failed to stick with him till the end. "This annulment is only a proof that it’s a failure of my marriage and I’m not proud of it. Maybe I needed somebody to give me strength. Hindi rin niya naibigay ‘yon. I’m sorry that he has to go through this problem alone and I wish him well," was Marjorie’s meaningful message.



Meron ba? Wala. Panay padaplis sa hangin.

Marjorie faced the issues regarding her annulment with ex-husband Dennis Padilla, on being a mother, her allegedly romance with Caloocan Mayor Recom Echiverri and her alleged pregnancy.

She denied however about the gossip of her relationship with the mayor.


"Hindi ko alam kung papano iha-handle ang issue," she confessed. "This is not a show biz matter. This is also political matter. Tumahimik ako kasi I just hoped it would just die down. Baka election fever lang ‘to," she pointed out. "Wala akong relasyon kay Mayor Recom Echiverri."


She also denied that she is pregnant.

Meanwhile, Marjorie denied allegations that she is four months pregnant. The councilor pointed out how she could be pregnant now that she’s thinner than she’s ever been. She also bravely declared that she knows the two people, who are spreading rumors about her.

8.18.2008

JEFFREY QUIZON IS GOING TO MARRY HIS LIVE-IN PARTNER

Unlike his father Dolphy who did not marry any of his live-in partners, Jeffrey Quizon is planning to marry the mother of his three -year old kid and live-in partner Rosanna Escudero.

"I'm engaged, planning to get married," sabi ni Epy. "Wala pa nga lang eksaktong date kasi nauna yung pagiging daddy. But definitely, by the end of the year or first quarter next year, pakakasal na kami. Sa ngayon, my daughter is magti-three years old. Ang focus namin ay yung third birthday niya at siyempre ‘pag medyo ready na siyang kumarga ng flowers namin, siya yung flower girl namin."


Sana naman para hindi siya sumunod sayapak ng kaniyang ama.

source: PEP

JOHN LLOYD CRUZ IS ARMANDO IN I LOVE BETTY LA FEA

Yay, my favorite actor JOHN LLOYD CRUZ is the leading actor opposite BEA ALONZO in the upcoming teleserye version of UGLY BETTY in the Philippines.

I love this guy. He's a good actor and very low profile. No scandal and honest that he is not romantically involved with Bea, his favorite leading lady. He was among the actors who were considered in the role and in his interview he expressed his
gratitude to Kapamilya network.

Now that he has been chosen for the part, Cruz described his character Armando as a playful and adventurous man who is really his opposite in real life.

"Siyempre kasi six years kaming magkasama ni Bea, kami at kami lang. Ito sa ‘Very Special Love’ aaminin ko na sumugal ako hindi lang para patunayan na I can stand alone. Simple lang, gusto ko lang malaman," he said. Cruz , who is considered one of the country's most promising young dramatic actors also admitted that he has changed as a person, but said that it’s for the better. Cruz said that aside from being happy in love, he also finds his happiness every Sundays when he eats lunch with his family."Sunday lunch kainan sa dahon with my old family. Kainan, tawanan catching up," he said.

8.17.2008

CHOP SUEY CONCERT NI GABBY CONCEPCION


I can not attribute the success of the "concert" of Gabby Concepcion to him alone if the press release that it was really a success is true.

It is more of a chop suey where you have Pops Fernandez, Ogie Alcasid, Ariel Rivera, Claudine Barreto and Ai-ai delas Alas were present to entertain the crowd.

Magkano kaya ang natira sa proceeds after binayaran ang mga big-time singers na ito na pumayag mag supporting role sa walang boses na comebacking star?

Ang lakas ng loob noh?


And as usual, use pa rin ang mga anak niya at ang kaniyang dating megastar na asawa.

8.15.2008

FRANCIS MAGALONA NEEDS BLOOD AND PRAYERS

francis magalona


FRANCIS MAGALONA, the son of the celebrity couple of 50's TITA DURAN AND PANCHO MAGALONA needs lots of blood and prayers.

He was diagnosed with leukemia (cancer of the blood) and is confined at the ICU of Medical City of Pasig.

He is young at age 43 and a father of eight with his wife Pia Arroyo.


“Those willing to donate may do so at the Philippine National Red Cross (PNRC) office in Intramuros (just across from The STAR offices),” said Rosa Rosal, in-charge of the PNRC “blood” department, who this year is celebrating her 60th year with the PNRC. (Her daughter, Toni Rose Gayda, is Francis’ Bulaga! co-host.) “We will take care of the blood that Francis needs.”

8.10.2008

SANDARA PARK, SIKAT NA RAW NA SA KOREA

Ibinalita na gumagawa na raw ng pangalan si Sandara PArk sa Korea, pero noong kapanayamin, sabi niya, nagwoworkshop pa lang siya sa acting para makuha siya sa teleserye.

Siguro nga dapat matuto na siyang umarte at matuto na rin siyang magpakumbaba. Noong sikat kasi siya, pinagtulungan nila ng kaniyang talent manager ba niya si Cristy Fermin para ibagsak ang kasama niyang sumikat na sino na nga ba yon? Angeles ang apelyido.

Pilit na pinasikat ang Sandara PArk at Joseph Bitangcol. Wala namang nangyari.

JOEY DE LEON, JOURNALIST?

So Joey de Leon who is I think the most pikon among the celebrities asked forgiveness from the press people for the joke, "Wala ‘yan sa lola ko, pumapatay ng press people!"



The video showed proof that the special show of Eat Bulaga! in Los Angeles was not a flop, contrary to a columnist's claim in a tabloid. The other video showed the president of National Press Club, Benny Antiporda, condemning Joey's joke that was aired in Eat Bulaga's "Ang Joke Mo" segment, where he said:


If you will ask me it is really a flop. It is a flop of it only 6,000 filled up the
venue. Having attended concerts and programs I observed the practice of the concert or program organizers is to ask the people who bought the cheapest ticket to occupy the more expensive seats which were unsold. SO bleachers go to the upper box and upper box people go to the lower box. Ganoon lang kasimple yon. If bleachers are free, then the more there were will be people who will be coming.


"Sa ikapapanatag ng lahat," Joey began, "ako'y humihingi ng paumanhin at patawad sa mga nasaktan ko dun sa diumanong binitawan ko na minasama ng ibang sector at ibang tao. I'm sorry, I'm sorry, I'm sorry. Pero wala ako talaga—gusto kong idiin—na intensiyon sa gusto niyong ibintang. Hindi yun ang ibig kong sabihin.


It is a sin to tell a lie.

"Alam mo, Butch, Lolit," Joey immediately said before they could ask questions, "Nangyari ito... Humingi na ako ng patawad, ha, tapos na, gusto ko lang magpaliwanag. Nangyari ito sa ‘Joke-Joke Mo' portion. Alam mo naman kung sino ang kasama ko doon, si Jimmy Santos at si Vic Sotto... Joke yun, e.



"Nagkataon naman, puro lolo ang joke namin. Hindi punchline yun, adlib yun. Ang punchline, yung pinakahuli, ‘no. E, di nagdyo-joke kami, payabangan ng lolo. Nagsasawa na itong si Jimmy na tungkol sa lolo, lagi siyang talo, e. Si Jimmy Santos, e. So, sabi niya, ‘Lola na lang, lola!' ‘Tapos nagyabang, ‘Wala kayo sa lola ko!'



"Kasi alam mo, ang portion na ‘yon, e, yabangan yun, e. At yun, e, bumabakod dun ang pag-uusap na mula sa kamangha-mangha sa hindi kapani-paniwala hanggang imposible. At biro mo, ang gamit na karakter dito ay ang pinakamahina at pinakamagalang na tao sa ating mag-anak, ‘yan ang lola. Na, hindi ko lubos na maisip kung papaano gagawa ng karahasan, ano?



"Anyway, nandoon na. So, lola siya [Jimmy] nang lola. Siguro nga hindi ako magdedenay na ano ako, dahil galing sa isang giyera na tungkol sa mga miyembro ng ano [press]... E, hindi ko alam, baka nadikit lang, ‘no? Ang ibig kong sabihin nun ay ‘Hoy Jimmy, huwag kang presko. Yung lola ko pumapatay ng mga preskong tao.'


Gags are also scripted. So if it is an adlib, does it mean that it means that it comes from his subconcious?

"Hindi n'yo naman puwedeng sabihin sa akin na, ‘Ayan na naman si Joey, nagpapalusot na naman.' Hindi po, papaano n'yo malalaman ang iniisip ko? Yun ang ibig kong sabihin. Press people. Puwede rin nagpaplantsa, press people, e!" he quipped.


Diva nga.

Wala akong binanggit na word na journalist. At saka ang alam pala ng mga bata sa atin... ‘Eto, imbestigahan n'yo man, ‘pag sinabi n'yong journalist, e, ang sinasabi pala niyan, ang ibig sabihin ay sila Max Soliven, sila Jose Guevarra... Yun ang alam ng mga tao karaniwan, e. Mga journalist ‘yon, sila Louie Beltran, yung mga ganun. ‘Pag sinabing press, ‘eto yung mga iniimbita sa presscon. Kaya nga, inuulit ko, nagkaroon lang ng maling dating sa inyo ‘yon...


Journalists are also press people. Ibig bang sabihin, entertainment writers lang ang press?

"Hindi ko naman kailangang ipagmalaki na siguro sa artista ngayon, ako lang ang nakasulat sa tatlong pinakamalalaking diyaryo—Inquirer, Manila Bulletin, at soon sa Philippine Star, at sa hindi mabilang na tabloids o scandal sheets.



SO?


"Kaya nga, NPC, Mr. Antiporda... I'm sorry kung nasaktan ko kayo o sa kakampi ninyo. Pero yung mga galit sa akin at sa amin... Alam n'yo nangyayari ‘yan, sa iba na rin nanggagaling na yung network war, yung mga ganito, medyo nagtitirahan ‘yan. E, siyempre hahanapan ka ng ganito—‘O, nagkamali ‘yan, lagay natin ‘yan ng meaning.'



"Kasi mahilig akong magsulat ng tinatawag na sangang-dila. Yung ‘pag nagsulat ka, doble-sentido, yung mga ganun. Kaya siguro napagbibintangan ako na ganun. Nagkataon lang yun. Ako rin nung inisip ko, ‘Press people...sigurado iisipin magpapalusot ka.' Ganun lang po ‘yon. Wala akong iniisip na mamamahayag.


Ang layon naman sa double entendre yong joke.

"At saka ako'y matagal nang manunulat ng komedya po. Hinahamon ko lahat ng writers ng comedy sa buong mundo, noon at ngayon. Alam n'yo po, ‘pag sinabi yung subject journalist killings, napakahirap pong gawan ‘yan ng comedy. Tanungin mo ako, ‘Gawan mo ako ng comedy tungkol sa Diyos, santo, mga dakilang tao ng kasaysayan, mga taong may kapansanan, mga pinuno ng bansa... Napakadali pong isulat sa comedy ‘yan. Pero journalist killings, tingin ko, mahirap, napakahirap.


Nanghamon na naman.

"Mahal ko ang press dahil part n'yo ako. I'm sorry po kung nasaktan po kayo. Para matapos na po ‘to, yun na po ‘yon. Wala akong ibig sabihin na masama.


KUng hindi ka pa tinira ng mga tao sa pagkapikon mo.

FORGIVENESS GRANTED. The issue concerning a certain PEPster, with a pseudonym "Jowee Deame," giving wrong info about the Eat Bulaga show being a flop, did Joey already forgive this person?


Do i believe that crap?


"Walang kaso sa akin," Joey answered. "Yung mga batuhan namin ni Willie, e, tuksuhan lang ‘yan. At hindi naman ako nauna, e." Then after mimicking Willie's crying moment, he added, "Hindi naman ako yun, e. Siya nauna, e. Sumusundot lang ako."


Wow, hypocrisy to the core.

JOURNALIST FIRST, COMEDIAN SECOND. Joey revealed the news that he will write for the Philippine Star starting August 17. After this announcement, he gave out this closing message probably as a note that he indeed was serious in his apology he gave out earlier.

He said the press people are those who are invited for press conferences and journalists are like Max Soliven .

Is he considering himself as a journalist ?



source: PEP

8.09.2008

GABBY CONCEPCION, A SINGER ?

GABBY CONCEPCION, A SINGER ?

Is he that desperate to earn moolah kaya kahit wala siyang karapatan ay umiiyak siya. oops kumakanta pala?

Certified singer na si Gabby Concepcion pagkatapos ilabas ang kanyang first self-titled album under Warner Music Corporation. Kasunod ng album ang sunud-sunod na concerts ni Gabby. May show siya sa Zirkoh Timog on August 14 at sa Music Museum on August 15 and 16.
Bakit si Gretchen, nagrecord din pero hindi naman sumikat na singer?


Kinuha raw siya ng Warner Music nang mapanood siya na kumakanta sa ASAP ‘08 at Wowowee. Pero ayon kay Gabby, matagal na raw siyang seryoso sa pagkanta.



OWS?



"Sabi ko, hindi naman ako dahil mag-e-emcee lang ako. Sabi nila, ‘Hindi, wala ka nang ibang guest. Ikaw lang.' On the spot, pinakanta ako. Sabi ko, teka muna. Next day na yung show. Yung gabi na ‘yon, kasama ko si Rio, naghanap kami ng mga CD. Naghanap ng kanta muna. ‘Tapos inaral ko yung CD ni Ogie [Alcasid] at ni Rey Valera, yung ‘Nandito Ako,'" lahad ni Gabby.



Ayon kay Gabby, he felt good after the concert.


Tapos hindi na nasundan?


NO DUET WITH KC. Nagpaliwanag naman si Gabby kung bakit wala silang duet ni KC sa kanyang album.
Naku ginamit na naman si KC.


"Hindi, kasi baka sabihin ginagamit," paglilinaw niya. "Hindi naman kung sinu-sino nga si KC, okay. Gusto ko, ako lang muna.

Sige pagbigyan.


PREMIERE NIGHT. Nagpasabi na si Gabby na darating siya sa premiere night ng For The First Time, ang unang pelikula ni KC kung saan katambal nito si Richard Gutierrez.



"She invited me so I cannot say no to that. Basta I will do anything she wants me. Alam naman niyang nandito lang ako sa likod niya. Shadow lang ako. Nandito lang ako," saad ni Gabby.



But what if hindi type ni Sharon na makita siya sa premiere night ng first movie ng anak nila na si KC?



"Alam mo, everybody can go to any movie, shows, concert, watch TV. There is no law that prevents anyone from going there," sabi niya.



ABANGAN.



Umaasa naman ang ilan na baka sa premiere night pa magkabati sina Gabby at Sharon. Sinabi rin ni KC sa presscon na willing siyang maging tulay para magkaayos ang kanyang mga magulang.


I DOUBT IT.




"Well, isa lang ang masasabi ko sa inyo na kung maaari lang sa August 15, puwede ninyong i-anounce ang concert ko sa Music Museum with Ai-Ai delas Alas and Claudine Barretto.


CONCERT BA NIYA YON O NI AI-AI?

source: PEP

8.08.2008

NATIONAL PRESS CLUB, GALIT SA JOKE NI JOEY

Hindi nga naman nakakatawa ang sinabi ni Joey de LEon na ang kaniyang lola ay pumapatay ng mga press people. How irresponsible and insensitive can he get?

Excerpt from PEP.

Umalma ang dalawang grupo ng mga mamamahayag sa ginawang pagpapatawa ng komedyante at TV host na si Joey de Leon sa noontime show na Eat Bulaga! noong Miyerkules, August 5.



Labis daw na nainsulto ang National Press Club (NPC) at Alyansa ng mga Filipinong Mamamahayag (Afima) sa binitiwang pahayag ni Joey sa "Ang Joke Mo" segment ng Eat Bulaga.



Nagbibiruan sina Joey at mga iba pang hosts ng show na sina Vic Sotto at Jimmy Santos nang sabihin diumano ni Joey ang ganito: "Wala ‘yan sa lola ko. Ang lola ko pumapatay ng mga press people."



Sinabi ng NPC at Afima sa isyu ng tabloid na Bandera ngayong araw, Agosto 8, na "insensitive" ang ginawang patawa ni Joey sa kanilang segment sa Eat Bulaga!



Ayon sa ulat ng Bandera, ang mga katagang binitawan ni Joey ay "masyadong masakit" para sa hanay ng mga mamamahayag na unti-unti nang nababawasan dahil sa mga walang habas na pagpatay sa mga ito.


How can people respect this comedian who vents his anger to press people just because one editor pissed him off?

8.06.2008

DO I BELIEVE THIS CRAP?

An anonymous commenter owned the responsibility of rumor mongering about Eat Bulaga's people turnout in Los Angeles.

Do I believe this crap? Nah.

Why did the editor not just publish this instead of claiming that it was a GMA7 exec who confirmed that it was flop. FLIP FLOP, that's how it is.




Days after this issue came out, no one can still figure out the source of the claims of the Balita entertainment editor. However, in People's Journal today, August 6, an e-mail from someone named joweedeame was published. He identified himself/herself as a fan who started the rumor that the show of Eat Bulaga! in Los Angeles Sports Arena was a flop. PEP (Philippine Entertainment Portal) later found out that joweedeame used to be a PEPster, the term used for the avid followers of PEP.



The letter was sent to some entertainment writers last Monday, August 4, to apologize to those who have been affected by the false report.




The letter read: "Totoo poh 'yan! I AM SORRY!



"Humihingi ako ng paumanhin to Eat Bulaga, to Mr. Jun Nardo [entertainment columnist], to Mr. Joey de Leon and to everyone na nasaktan in any way by my e-mails!



"Walang nagsabi sa akin na gawin ito. Ginawa ko ito ng kusa!



"This past few hours nagmuni-muni ako at narealize ko na wala namang magandang naiududulot ang mga email ko!



"Isa lamang poh akong fan na nasasaktan kung may masamang naisusulat sa mga iniidolo kong programa/artista. Gumagawa ng paraan para sila eh maprotektahan at matulungan!



"Napagtanto ko na sa kagustuhan kong ipromote ang mga gusto kong programa/artista eh hindi ko namamalayan nakakasakit na ako ng iba.



"Ginagawa ko na pala ang kinaiinisan ko na ginagawa ng ibang mga writer. Yun ay ang siraan ang isang programa/artista para lamang ipromote ang mga gusto nila.



"Naisip ko na ang Eat Bulaga ay marami din namang tinutulungan. Maraming umaasa sa Eat Bulaga! Marami ding napapasaya! Gaya din ng sa Wowowee. (Hindi lang sa kaso ng dalawang programa kundi sa mga artista din katulad nila Marian, Angel, Richard, Piolo, Ding Dong, John Loyd, Sarah, Claudine at Juday.. etc)."



After apologizing, the letter sender requested Joey, entertainment columnist Jun Nardo, and other writers to avoid bad-mouthing the rival network of GMA-7, particularly its shows and talents.



"Pakiusap ko lang sa ibang manunulat, gaya ni Mr. Jun Nardo, na kung gusto nilang ipromote ang kanilang gustong artista o programa eh isulat na lang ang mga magagandang bagay tungkol dito at huwag ng siraan pa ang katapat (hindi kalaban) nitong programa.



"To: Mr. Joey, minsan poh hinay hinay naman sa pagtira sa katapat niyong programa at sa iba pang programa ng ABS-CBN... hindi naman poh lahat ng tao eh kapuso meron ding mga loyal na kapamilya na nasasaktan sa bawat tira niyo... at isa pa poh Mr. Joey kung may nasulat man yung Mr. Dindo na hindi maganda eh mapatawad niyo din siya...malamang eh naimpluwensiyahan din siya ng mga opinion ko sa email ko... huwag niyo na pong idamay kung aatend man siya ng press con diyan sa GMA... malamang eh isa yan sa source ng kanyang kinabubuhay...



"(not in anyway connected poh ako kay dindo baka yan ang isipin niyo, promise!)



"May puwang para sa dalawang programa! at siguro sa mas marami pang programa!"



EXPLAINING THE PHOTOS. In connection to this issue, a series of photos showing empty bleachers inside the Los Angeles Sports Arena were circulated to prove the allegations that the show was a flop.



However, entertainment writers, who were present during the show, already clarified that only part of the arena was opened for the show. In fact, Allan Diones, one of the entertainment writers who attended the show, explained in his column in Abante, "Hindi binuksan ang uppermost section ng OA sa laking LA Sports Arena na mahigit 16,000 ang total seating capacity.



"Normal na ginagawa ‘yon ng mga live stage show sa nasabing venue na hindi inookupa ang buong lugar para mas ma­ging intimate ang au­dience at manageable ang crowd lalo na kung hindi naman ito isang major sports event."



He added that only the arena area (floor section) and lodge area (middle section) were opened for the Eat Bulaga! show. Meaning, there were really no tickets sold for the concourse area (bleacher section), which was shown in the photos.



In connection to this, doweedeame explained that the photos he/she forwarded to entertainment press were obtained from different Internet forum. For this, he/she again made an apology.



The anonymous sender continued, "Kinaclarify ko lang poh ulet (re: EB ay flop sa LA)... Hindi ko poh alam ang tunay na audience turn out ng palabas ng EB... May mga nag post lang ng picture sa Internet...



"Isa galing sa mga DongYan (DingDong-Marian) fans at isa naman galing sa audience ng Wowowee...Pinag tabi ng ibang mga ka forum ko ang mga pictures at mula doon ay gumawa na ng kuwento...



"Ni hindi alam sa forum namin na hindi pala talaga ibinebenta ang mga ticket sa bleacher seats...at dahil sa may kopya ako ng mga email ng mga manunulat eh naisipan kong kuhanin sa forum and dalawang picture at i-send...



"Kung kumita poh ang EB sa LA dapat ay maging masaya ako dahil bukod sa napasaya ang mga taga LA eh yung mga taong umaasa sa EB! Sana ay maraming pang palabas ang tangkilikin ng mga Filipino sa tate.



In the end, the letter sender wished that the two rival afternoon shows, Eat Bulaga and Wowowee, would be able to entertain more Filipinos abroad and not only in the U.S.


"Mabuhay sa dalawang programa at sana ay hindi lang sa US kayo makapunta at makapag dala ng ligaya!



"Muli ay humihingi ako ng paumanhin sa lahat!



"Sana ay maging mabuti na ang lahat!



"Here Signing off,


"Jowee Deame





Ow Great, it is as easy as opening your e-mail and writing this nonsense letter.

HOhum.

8.05.2008

JOEY DE LEON DARED TO RESIGN FROM GMA7

When JOEY DE LEON IS MAD, HE IS REALLY MAD.

For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV
He got angry when an entertainment editor wrote that Eat Bulaga flopped in los Angeles in July 29.

In the Startalk talk show, he dared the editor to name the GMA7 executive who cofirmed that the show was really a flop. He promised to give him free plane ticket, hotel accommodation and pocket money of $ 5,000.00.

He warned the management of GMA 7 that if they continue inviting this person in the press conferences, he would resign from the TV network.

Earlier he resigned from the Manila Bulletin as columnist because of the publication of the article in its sister tabloid paper, the BALITA.

To konw whether it is really flopped or not, will someone from LA stand up please.

8.01.2008

ARE THEY LOOKING FOR RIVALRY BETWEEN HEART EVANGELISTA AND KC CONCEPCION

HEART EVANGELISTA
An old form of publicity to promote stars is to spark rivalry. Is this the reason why
they cooked up intrigues for Heart Evangelista and KC Concepcion.

According to the gossip, KC Concepcion got irritated when Heart kept on calling and texting Richard Gutierrez while they were in Greece to shoot the movie THE FIRST TIME.

Richard Gutierrez came to the defense for his co-star in ASERO even before KC Concepcion said anything.

According to Richard, Heart can not possibly do that shince she's busy with the teleserye.

KC on the other hand had full of good words for Heart Evangelista.

"I respect Heart bilang aktres. Pinapanood ko po ang mga pelikula niya, yung mga TV shows niya. Kahit hindi ko pa siya kilala, I'm sure mabait siyang tao.


"Hindi naman po ako ganung tao. Saka ‘pag nagkikita kami, nagbabatian naman po kami kahit hindi ko pa siya nakikilala," pagtatanggol ni KC sa sarili kasabay ng paglilinaw niya sa issue.



Paano yan, hindi mataray si KC Concepcion.