3.06.2009

Wilma Galvante said the show will go on



Wilma Galvante announced that the show is proceeding as scheduled with a new talent minus JC de Vera.

She explained that the GMA7 network will no loger tolerate Annabelle's gimmicks to delay production which pressured admin people to give in to her demands. This she cleared has the blessings of the President and CEO of GMA Network who is being flaunted by Annabelle to be her family friend.

this is the story from PEP.



Sumunod naman na nilinaw ni Ms. Wilma Galvante ang sinabi ni Annabelle Rama na walang alam ang President & CEO ng GMA Network na si Atty. Felipe Gozon sa mga aksiyon na ito ng lady executive ng Kapuso network, at kung bakit tila hinahayaan lang ni Ms. Wilma na pagsalitaan siya ng kung anu-ano ni Annabelle.



"Anong sabi ng mga Gozon diyan? Anong sinasabi nila tungkol diyan? Bakit hinahayaan n'yo siya na gawin 'yan sa inyo? Tanong n'yo 'yan, e, di ba?" tila nabasa na ni Ms. Wilma ang nasa utak ng mga kaharap na entertainment editors and columnists.



"Okay, let me tell you this," patuloy niya. "We do talk about this. In fact, last week, nag-usap kami ni FLG—you know, we call him [Atty. Gozon] FLG. And then he told us... Alam mo yun, parang tatay din namin siya dito, 'Kayo kasi, pinabayaan ninyo, pinagbigyan ninyo, ganyan, kinunsinti ninyo. Tapos ngayon, heto kayo, sinasabi ninyo, hirap na hirap na kayo. Although, sabagay, hindi n'yo naman alam kung sino ang aabuso, kung sinong ano, di ba? Ngayon, ginaganyan na kayo, then you have to act on it.'



"I do not expect FLG to be the one to reply to this. Hindi yun tama, hindi niya yun [trabaho]...wala. Hindi naman siya yung tinitira, e. But he told me, 'You should defend yourself, but you do not go down to her level.' He told me that. But I have never done that even before, kasi pangit, kasi hindi tama. Kung namemersonal siya, i-defend mo yung sarili mo kung kasinungalingan. That's why I come out with statements, I tell CorpCom, this is what happened.



"Dun sa nangyari, kung may binabaliktad yung iba, samantalang ikaw yung nandun, ikaw yung involved, ikaw yung alam mo kung ano yung nangyari, itatama mo lang yun, di ba? That's why ni-release 'yan lahat.



"So, sabi pa ni FLG, ang advise niya sa amin, 'From hereon, you go by the book, you go by the contract. That's why you have contract, di ba? Implement n'yo 'yan. Kung puwede kayo mag-compromise, mag-usap kayo. But ultimately, it's the network that will prevail.'



"So, aminado naman kami. Kinagalitan ko din sila [other GMA-7 executives] after akong pagsabihan, kasama rin sila dun sa meeting na yun. 'Kasi kayo, para matapos na yung production, umandar lahat, kasi may airing time kayo, sige na gawin na lang nga 'to, pagbigyan na natin 'yan. O, 'yan ngayon!'



"Pero hindi kami papayag na lapastanganin kami sa press, sabihin na ganyan. Bali-baliktad. If you read, she [Annabelle] blows hot and cold, e, di ba? Merong eto, tapos mamaya kawawa naman siya, mamaya inaaway siya... Walang umaaway sa kanya.



"I told you before, conflict is not in our nature. It's not our nature to be fighting with people, hindi. So, I also do not like that this is being reduced to parang bickering between the two of us. It is being reduced to that. 'Ayan, nag-aaway na naman sila, anyway magbabati naman 'yan, e. Tapos mag-aaway na naman 'yan!' It is being reduced to that. Hindi lang yun 'yon, e. Ang nangyayari diyan, may nanggugulo!



"Ngayon, marami din sa inyo, na talaga namang sinusunod ko, 'Huwag mong patulan.' Talaga naman, hindi ko talaga pinapatulan. Pero susundin ko din yung i-defend mo yung sarili mo pag meron nang mali.



"Eto na 'to," sabi ni Ms. Wilma. "Basta nakapagpaliwanag na ako sa isang bagay, yun na yun. I'm not saying it would be the end of it. There could be another issue later on, na mapapabali-baliktad, di ba? And then, what I will do is, I will just say, 'Ito po ang pinag-usapan, ito po yung kontrata. Yun."



THE SHOW WILL GO ON. Dagdag ni Ms. Wilma, hindi ibig sabihin na kapag tinanggihan ng isang artista ang isang proyekto ay hindi na ito matutuloy. Gaya na lamang ng SRO na tinanggihan ni Annabelle para kay JC, at ang Muling Buksan ang Puso na tinanggihan ng talent manager sa isa pa niyang alaga na si Heart Evangelista.



"We are proceeding with production, but we are assigning it to other talent. Ang daming talents, ang daming talents na obligasyon ng network bigyan ng programa," saad niya.



Ano ang sinasabi ni Atty. Gozon na nagagawang away-awayin ni Annabelle ang executives ng GMA-7?



"Wala siyang sinasabing... Hindi siya pumupunta sa ganyang dirty... Kahit naman ako, kahit sino sa amin, hindi naman kami papayag na bastus-batusin na lang kaming ganyan. We will refute it. We will come out, we will also face it. We have to, di ba?"



May nagtanong kay Ms. Wilma kung itong bagong isyu nila ay hindi makakaapekto sa kontrata ng network sa ibang mga alaga ni Annabelle.



"No," maikli ngunit mariing sagot ni Ms. Wilma.



Paano kung patuloy pa ring tumanggi si Annabelle sa mga proyektong inu-offer ng GMA-7 sa kanyang mga alaga?



"Ang ano nga, go by the contract," giit niya. "Then, it goes to legal. Ngayon, ang dami na naman niyang letters from legal. But it doesn't mean titigil kami. Kasi ang style niya, ganito... Mahirap din, e, naaawa ako sa kanila [Entertainment Group], e. Unit 'yan e, sila yung nagpo-produce, e. Tapos, magsusumbong na lang sa akin, problema na.



"Hihintayin niya [Annabelle] na story con na—yung gipit ka na ba—'tsaka niya ipu-pull out yung artista. Dahil gusto niya, kukuwestyunin niya yung ibang castings. Gusto niya ilagay niya 'to, artista niya, talent niya... Iipitin ka, e. Maraming beses nangyari 'yan, nag-compromise sila. 'Okay, fine, let's go ahead with it. Buuin nang maayos 'yan. Maganda ba yung istorya?' Ang akin lagi, content, istorya, kung anong takbo ng script. Makikita namin along the way may weakness, 'Ayusin nga itong ano na ito.'



"Pero wala din sa kontrata niya at wala sa usapan namin na mangingialam siya [Annabelle] sa casting! Hindi na 'yan puwede! Enough is enough!" diin ni Ms. Wilma



Patuloy niya, "Kaya nga ang reklamo na ninyo, ng ibang managers, e, pulos na lang talents niya, e. Kasi may gano'n siyang gameplan, iipitin ka. E, kailangan nang mag-taping, mag-e-air kami next week. Tapos biglang sasabihin niya, 'Hindi muna magte-taping si ganito hangga't hindi maayos 'yan!' hangga't hindi siya masaya. E, naging demanding na nga. Hindi na fair, di ba? Hindi na tama.



"Kasalanan namin, aaminin namin, na pinabayaan namin siya before. We compromised. Now we are... Do we say we are suffering the consequences of that compromise? It could be. Pero hindi naman siya walang solusyon. Because pag pumunta ka talaga sa kung anong dapat mangyari, ituloy mo yung show. Network decision should prevail.



"Tapos 'yang mga personal na 'yan, yung mga sinasabi niya na, 'Tumatanggap 'yan ng ano, binigyan ko 'yan ng mga regalo, kung kani-kanino, yung ganyan...' Mga pera, pinautang niya ganyan... Sorry, kung nagbigay siya ng mga regalo sa kahit na sino dito sa GMA, at ang ine-expect pala niya ay makuha niya lahat ng gusto niya dahil niregaluhan ka, e, sorry po, hindi po nabibili, hindi kami masusuhulan, mareregaluhan, mapapautang para sundin lang lahat ng gusto mo. Hindi gano'n, para ipitin kami, hindi gano'n. Hindi mabibili yung intergridad ng kahit na sinong officer dito sa GMA!" may diin na pahayag ni Ms. Wilma.



Kaugnay nito, idinagdag ni Ms. Wilma sa PEP na noong nagkagalit sila two or three years ago ay ipinasoli niya kay Annabelle ang lahat ng mga regalong ibinigay nito sa kanya. Kuwento pa niya, nang magkaayos daw sila ulit ay pumunta si Annabelle sa kanyang opisina dala-dala ang mga isinoling mga regalo ni Ms. Wilma. Sabi raw sa kanya ni Annabelle ay nainsulto siya sa pagsosoli niya ng mga regalo.



Hanggang ngayon daw ay nakalagay pa sa isang supot sa kanyang opisina ang lahat ng mga regalong ibinigay ni Annabelle sa kanya.



"Ako, marami akong nireregaluhan na mga manager, artista... Pero hindi ko kailangang isumbat kung ano ang mga ibinigay ko dahil regalo ko na yun sa kanila," sabi ni Ms. Wilma.

No comments:

Post a Comment