3.06.2009

Wilma Galvante Explains JC Vera's Case





The Senior Vice-President for Entertainment of Gma7 Wilma Galvante explains the JC De Vera's Case amidst the noisy quarrel with the latter's Manager, Annabelle Rama.

With her were the lady executives of the Kapuso network—Ms. Marivin Arayata (VP for Entertainment), Ms. Lilybeth Rasonable (AVP for Drama), Ms. Darling de Jesus (AVP for Musical & Variety), Ms. Redgie Magno (senior program manager), at Ms. Ida Henares (head of GMA Artist Center).


Here is the story from PEP.


THE JC DE VERA CASE. Dito na sinimula ang tanungan kaugnay ng mga pahayag at akusasyon ni Annabelle laban kay Ms. Wilma. Una na rito ang tungkol sa "pananakot" at "pangha-harass" diumano ng lady executive sa alaga ni Annabelle na si JC de Vera sa story conference ng Obra. (Click here to read related story.)



"Okay, itong si JC, nangyari ito two weeks ago, di ba?" simula ni Ms. Wilma. "The story conference, tandaan n'yo, pagka-story conference na, ibig sabihin, ang dami nang pinagdaanan niyan. Alam mo na talaga ito ang gagawin mo, nasabi na sa 'yo, nakapag pre-prod na kayo, nasabi na sa 'yo kung ano yung role mo. Eto, story conference, pinag-uusapan na ninyo ang istorya.



"Sa story conference, nakaupo na diyan lahat ng ibang artista. Lahat ng mga in-invite para sa story conference na yun, sumasama ang managers nila. In fact, kailangan 'yon; andun yung director.



"Nangyari yung story conference na 'to sa 7th floor, sa Concept Room. Yung Concept Room na yun, adjacent yun sa office ko. I was not in that meeting, but I saw all of them coming out of the Concept Room nung tapos na, and then, hindi rin ako lumabas. The door in my office is always open.



"Mamaya, dumating na si Marivin [Arayata]... 'Ma'am, umiiyak si JC.' Tapos sabi ko, 'Bakit siya umiiyak?' Kasi, biglang tinawagan si Otep—si Otep [Boncalan] is the executive producer—ni Annabelle, at sinabi sa kanyang hindi gagawin ni JC 'yang Obra. Kinuwestiyon kung bakit nandiyan si Marvin [Agustin], ayaw niya kay Marvin. Nasasapawan daw yung acting ni JC—I'm quoting, ha—at bakit daw nandiyan si Bianca King. Bakit daw may show na naman si Bianca King?



"So, sabi kong ganun... I didn't even mind that, e, yung mga yun. Ang una kong concern, umiiyak siya [JC] diyan sa labas, madaming ibang tao, kasi office yun. You know that 7th floor, di ba? Six cubicles 'yan... 'Ipasok n'yo siya rito, nakakahiya.' So, yun lang yun."



"Pumasok si JC," patuloy ni Ms. Wilma, "he was really crying, and when he sat down in front of my desk, he said, ang una niyang sinabi, 'Pasensiya na po, Ma'am Wilma, napapahiya na po ako sa nangyayari. Karamihan po hindi ko alam kung ano na yung nangyayari.' So, tinanong ko siya, 'How old are you, JC?' Sinabi niya 22... Tapos sabi ko sa kanya, 'You know, it's like this, may kontrata ka with your manager. Whatever business it is with your manager, i-discuss mo 'yan with your manager. We cannot do anything about that. What we can do is implement our contract, and we have implemented our contract, di ba?' And then he said, 'Yes po.' And then he cried again... Maikli lang 'yon.



"After that, nakatanggap na ako ng text: 'Traydor ka, ganyan, ganyan... Sinisira mo ako sa mga alaga ko!' Saan galing 'to? Mamaya, pumapasok na si Kuya Germs [German Moreno] sa office ko. Sabi niya, 'Yung alalay ni Annabelle, nandun, nagsusumbong at pinasok daw nila Redgie [Magno] si JC sa office mo!' Yun lang alam niya [Annabelle], wala siya do'n! Now all of these are coming out na exaggerated, iba na yung istorya, baliktad na.



"Late that afternoon, nag-text si JC... I gave him my calling card that's why he knew my number. Nag-text siya, sabi niya, 'Ma'am, pasensiya na po at napalaki ko yung problema ninyo ni Tita Annabelle. I don't know anymore what I will do.' So, as far as we're concerned, that was what happened. Walang harassment, walang kinaladkad, walang pinasok! Dahil bakit namin gagawin yun?" mahabang lahad ni Ms. Wilma.



THE CONTRACT. Pagkatapos nito ay ipinakita ng SVP for Entertainment TV ng GMA-7 ang kopya ng kontrata ni JC sa kanila at binasa niya ang nilalaman nito.



"Sa kontract ni KC na ini-expect niya [Annabelle], pinagsasabi niya sa lahat na mag-e-expire sa March 31 [ang contract ni JC], which is true," sabi ni Ms. Wilma. "The first two years of the contract, will expire on March 31, but there is a clause there that says, and I will read this: 'Talent hereby by grants GMA the exclusive and irrevocable option to renew his contract for period of one more year, under the same terms and conditions. The agreement is deemed renewed upon service by GMA of a written notice of renewal to the talent prior to the expiration of this contract.'



"This was served January 13, this was signed by JC, and JC is the talent. Ang kontrata is between GMA and the talent, assisted by the manager, Annabelle Rama. Pumirma ang talent, alam niya ginagawa niya, and this was served... So, no matter kung sino pa ang maglatag kay JC na, 'Ito ang plano namin para sa 'yo, lumipat ka lang,' wala siyang magagawa. Naka-sign, nakakontrata ito, e. And we are enforcing this contract.



"That is why we are giving him assignments. That is why right after Lalola, hindi pa natatapos ang Lalola, ibinibigay na yung Obra, sinasabi na sa kanya. Kasi may guarantee siya. Ngayon, kung hindi mo gagawin 'yan, ano mangyayari? Puwede ka bang basta-basta lang tumanggi? So, anyway, yun 'yan. Wala nang kailangang pag-usapan pa diyan, kasi kontrata 'yan, e," mariing sabi ng lady executive.



MARVIN AGUSTIN. Totoo bang ayaw gawin ni JC ang Obra dahil magiging support lang siya kay Marvin?



Sa puntong ito ay ipinasa ni Ms. Wilma ang mikropono kay Ms. Redgie Magno upang siyang magpaliwanag tungkol dito.



Ani Ms. Redgie, "Hindi po siya supporting. Kasi yung Obra, ire-re-launch namin. Ang bagong title niya, SRO Cinema Serye. It's an eight-week run ng isang episode, series siya, pero once a week.



"Pero the same timeslot nung Obra. Pero unlike nung Obra na talagang merong featured artist, dito, lahat sila equal ang role. Walang mas angat, walang gano'n. Kasi nga, isang kuwento ito ng maraming involved na artists, hindi lang talagang kung saan pini-feature lagi.



"Alam din naman ni JC 'yon. Alam niya na hindi rin ito katulad ng dati. Kasi nung nag-storycon kami, alam na niya na nabago na siya. Continuing na siya for eight weeks, so hindi siya katulad ng Obra noon na episode," paliwanag niya.



Idiniin din ng GMA-7 executives na ibang show na ang gagawin dapat ni JC at hindi na ang original concept ng Obra.



Nilinaw rin ni Ms. Wilma na ang character na gagampanan ni Marvin ay kontrabida at si JC ang good guy. Dito na rin ipinagtanggol ng lady executive ang pagkakaroon ng projects ni Marvin at iba pang contract artists ng GMA-7.



"Yun pa, ibinibintang niya kasi may favorite... Marvin, si Bianca, and many others, na she [Annabelle] does not need to know who else, are contract artists ng GMA. May obligasyon kami na bigyan ng assignments 'yan. Iba-iba ang laman ng kontrata niyan," sabi ni Ms. Wilma.



Tungkol naman sa sinasabing parang love team na sina JC at Marvin sa dalas ng pagtatrabaho nila, sinabi ni Ms. Lilybeth Rasonable na "prerogative" ng network kung sino ang ika-cast nila sa bawat proyekto.



So, ano na ang mangyayari ngayon kay JC, na pinalitan na ni Geoff Eigenmann sa SRO?



"Si JC, may kontrata pa siya," sabi ni Ms. Wilma. "We will give him another assignment. But meanwhile, he'll wait. He will wait for the next. May isa pang Sine Novela, yung Ngayon at Kailanman, na puwede na ring gawin. Nakalinya na rin 'yan, e, puwede nang umpisahan. Tinawagan siya [Annabelle] ni Redyn Alba [program manager], tinanggihan niya rin 'yon. That was a phone conversation, at yun lang ang report sa akin."



Dagdag niya, "At saka yung sinasabi ni Annabelle na, 'Hindi mo pupwedeng kausapin yung mga talent ko!' Bakit? I head the production, I do all the programs here. I am in charge of all the shows. I can talk to any talents, na talent ng network! Walang bawal dun."

No comments:

Post a Comment