3.06.2009

Wilma Galvante Talks about Annabelle Rama




Wilma Galvante has been being harassed by Annabelles Rama, being texted with obscenities and being accused of receiving commission and gifts.

Wilma Galvante answered back.

Here is her side from PEP.



Sanay na ang mga tao na nababalitaan na sa tuwing nagkakagalit sila ni Ms. Wilma Galvante ay nagbabanta si Annabelle Rama na tatanggalin niya ang lahat ng mga alaga niya sa GMA-7. Ano ang gagawin ng Kapuso network kung sakali ngang totohanin ito ni Annabelle?



"May kontrata, e," sagot ni Ms. Wilma. "We are exhausting our contract with their talents...the talents are okay. Richard [Gutierrez, Annabelle's son and talent] is okay. Nandun siya, nagtatrabaho siya. Ilang araw 'yan, hindi pumu-pull out sa taping [ng Zorro]... Hindi nga niya alam kung ano nangyayari, e. Yung mga talents, they're good.



"Bakit pa siya [Annabelle] kailangan manggulo when they are all in place? Kasi meron lang siyang gusto na hindi mangyayari. Dahil meron siyang gustong hindi mangyayari, kung anu-ano na ang sasabihin tungkol sa 'yo!



"Kahit kayo naman, sasabihin n'yo, hindi tama... I thank you for writing this [published reports], for coming out with this, for printing it, I thank you for that. Because lumalabas lang kung ano talaga yung tunay na nangyayari. I thank you, too, [for] giving me equal space later on," saad ng lady executive ng Kapuso network.



Pero bakit palaging si Ms. Wilma ang sentro ng galit ni Annabelle sa tuwing may nangyayaring ganito sa kanila?



"Siyempre, kailangan naman meron siyang awayin, di ba?" sagot ni Ms. Wilma. "Alangan namang awayin niya yung building? Alangan namang awayin niya sila [sabay turo sa iba pang GMA-7 executives]? Hanggang saan maaaway itong mga ito? Pero meron ding hangganan yun, you know.



"Ang dami kong trabaho, ayokong maabala. We have a network to run. And this network, the program that we produce, brought this network to be number one, with all the talents, hindi lang yung kanya."



STILL OPEN FOR NEGOTIATION. Tinanong ng PEP si Ms. Wilma, kung sakaling natapos na ang kontrata ng mga alaga ni Annabelle sa GMA-7 ay willing pa rin ang network na makipag-negotiate sa kanya ulit.



"Yes, yes," mabilis niyang sagot. "If we need to negotiate again, we will. If she wants to negotiate, she could. Maraming talents na nag-expire na yung contract. Sabi nung manager, 'Aalisin na namin, gagawa muna siya dun.' Si 'Nay Lolit [Solis], ang daming talents niyan, si Tito Douglas [Quijano]... Tapos na yung kontrata, pero walang gulo, kaya okay lang. Tapos na, e. Wala ka nang puwedeng anuhin, e, wala nang obligasyon. Sabi n'yo, 'Huwag n'yo nang habulin 'yan, o ganyan.' Ano yun, e, whim yun, e.



"Hindi gano'n, may contract tayo, may agreement tayo. We're just implementing, and we have never been out of line with our contract. Pagka-nagkaroon ng kuwestiyon, ibigay mo sa legal, we have a very...masipag ang legal department ng GMA. Pag meron kaming kinukuwestiyon, they attend to us right away. Kasi hindi puwedeng ma-hamper ang production."



Ano kaya ang magiging implication ng gulong ito sa pagitan ni Ms. Wilma at ni Annabelle sa ibang talent managers na may kontrata rin sa GMA-7? Hind kaya ito magdudulot ng conflict sa future deals ng network sa ibang talent managers?



"Ito yung masasabi ko," pahayag ni Ms. Wilma, "sa lahat ng artist ng GMA na merong kontrata, pinag-uusapan ang kontrata. Pag nag-agree na tayo, i-implement natin 'yan. Pag uupo tayo to negotiate, upo tayo ulit, pag-uusapan natin uli. Pagka-nagkaigi tayo, nagkaintindihan tayo, implement natin uli.



"Network is the platform. The network will give you the show. The network will make you popular. The network will mold you to be a better actor. Kung wala 'yan, wala kayo, e. Maraming artista, maraming puwedeng kunin. Pipiliin mo kung sino yung nakikita mong may potensiyal. Lahat ng kinuha, may potensiyal naman, e.



"Yung mga umaalis na gumagawa muna ng gulo bago umalis, kahit puwede nang umalis, sasagutin mo 'yon, di ba? Hindi mo papaalisin pagkatapos iniwan ka ng gano'n, sasagutin mo yung mga gano'n. Pero yung mga maayos kausap, maayos kausap, e, walang gulo. Tapos, while all your talents are here, and all your talents have active contracts, walang bastusan, di ba?"



BUILDING UP NEW TALENTS. Napatunayan na rin naman siguro ng GMA-7 na kaya nilang mag-buildup ng sarili nilang mga artista.



"I know that, we know that. Nakita na natin, nagawa na natin 'yan. We can do it over and over again. That is the plan. GMA plans to stay on top for a long, long time, for many, many years, and we are working hard for that."



Even witout Annabelle?



"With new talents, with existing talents..." sagot ni Ms. Wilma, na ikinatawa ng lahat.



Puwede bang dumiretso si Annabelle sa opisina ni Ms. Wilma kung gusto nitong makipag-negotiate tungkol sa kanyang mga alaga?



"She can do what she wants," sabi ni Ms. Wilma. "I cannot stop her, e. But now, admin and security, they have been advised that unless there are scheduled appointments with any officers in the 7th floor, iki-clear muna bago magpapasok ng actually kahit na sino."



Kung may appointment ba si Annabelle, haharapin ni Ms. Wilma?



"Kung kukuha siya ng appointment at may time ako," sagot ng lady executive.



Paglilinaw niya, "Hindi, gano'n yun, e. Magalang ako sa tao, maayos akong kausap. Hindi ako nang-aaway, ayoko ng sagutan na ganyan. Ayoko lang ng pag ginugulo ka, kailangan lang na sumagot ka. So, sabi nga niya, 'Paglalaruan kita.' O, ayun, pinaglalaruan na naman ako. But you have to pursue me. Somebody has to be that person na aawayin, mahirap naman talagang wala.



"Awayin mo ang network... Pag inaway mo ako, hindi naman ako yung inaaway mo, e, inaaway mo yung network. Inaaway niya lahat, e. Bakit naman sa dami-dami ng managers, wala namang nagrereklamo, siya lang? Lahat naman ng alaga niya may trabaho naman, ano pa yung reklamo?



"Yun na nga yung dumarating sa akin, nakakainggit nga, kahit si Ida [Henares], nagrereklamo sa akin... So this time, talagang ang focus, kung sino ang may kontrata, priority. Kung may kontrata ka with any manager, even with Artist Center, may kontrata ka with the network, priority ka. Lahat ng mga walang kontrata, program contract lang, pag natapos 'yang program contract na 'yan, bahala ka, dalhin mo kung saan mo gusto."



Sa lahat ng nangyayari na ito, ano ang personal na nararamdaman ni Ms. Wilma?



"I read the blog, and I read the reactions, lalo na sa PEP... Naku, sana basahin din niya [Annabelle] yung comments dun. Kasi sa totoo, dapat ito enough na, e, because kawawa naman siya. Ang repurcussion nito, ang backlash nito is really on her and the talents who we nurtured, we hold to be better actors, di ba?



"I'm not saying na dito kayo forever and ever. Hindi, e, choice nila 'yan at the end of the day. Hindi mo mapipilit ang artista. Pero sa nangyayari, e, hindi mo siya ma-stop. Kahit na sinasabi ng kahit na sino, hindi mo siya ma-stop. Sabi niya dito, 'Ang pumatol sa akin, sira-ulo!' E, bakit naman ako papatol, hindi naman sira ulo ko.



Na-consider ba ni Ms. Wilma na magdemanda?



"Ultimately, that will be a network...management decision. Kasi ito, nandito ako representing the network... All of us here, representing the network. So, kung minura mo ako, pinagbintangan mo ako, pinagbintangan mo yung network, yung opisina ko. And sabi ko nga, sorry, hindi mo mababayaran o masusuhulan, mareregaluhan ang intergridad namin dito. I speak for everybody.



"This is bad, this is bad for my President [Atty. Gozon], to tell me, 'You defend yourself, but you do not go down to her level.' So he is aware. 'Tsaka sana din, sinasabi niyang [Annabelle] kaibigan niya ang family, respetuhin niya. Huwag niyang i-name drop sa amin, yung ipanakot sa amin na, 'Nakausap ko na si ganito, okay na 'yan kay ganito.' Dahil kung may gustong mangyari si FLG, o kung may gusto si Annette [Gozon-Abrogar], na ipagawa, o i-suggest, puwede naman niya idiretso sa amin yun, e. Hindi naman kailangan idaan sa kanya.



"It doesn't happen that way. Akala lang niya yun. At saka, di ba, you seem to be friends with the family, but you use them against us, ginagamit mo sila. Tama ba yun? Nakakahiya yun sa mga taong kami mismo, nirerespeto namin, iginagalang namin, boss namin. Pag tinanong naman namin si Annette, sasabihin nya, 'Hindi ko naman siya nakakausap na, e.'



"Pero yung mga ganyang decisions and castings, we discuss it. We have our prod com, we have our sub com, we have our unit meetings who to cast. Hindi ko yun sariling desisyon. 'Tsaka yung sinasabi mong, 'Silent manager kasi 'yan, e!' Every talent who eventually lands a show on GMA, somewhere, somehow, inadvertently, I will be managing. Kasi titingnan ko yung role, titingnan ko yung hitsura niya, titingnan ko yung ano... Inadvertently, I will be managing. Pero para komumisyon na sinasabi niya, parang ewan ko... I have been blessed not to be wanting for material things or money all my life, so hindi ko kailangan.



Nakiusap din si Ms. Wilma na huwag silang personal na pag-awayin ni Annabelle.



"Di ba, you can choose your friends? I have very good friends who support me. And gusto ko lang sabihin, yung time na 'to over the weekend, so lumabas lahat na since last week, halos lahat ng mga talent, nagte-text sila sa akin, pati mga managers... In fairness, pati si Becky Aguila [manager of Angel Locsin, former GMA-7 talent], 'Ma'am Wilma, I hope you're okay.'



May mensahe ba siya para kay Annabelle?



"I'm not talking to just her anymore, I'm talking to the public now. Kasi nga, it's not personal between the two of us anymore, because this is now that we are speaking of now. So I'm talking to the public, I'm talking to the audience, I'm talking to all the Kapusos out there, I'm talking to all your readers, all our readers, everybody who has read and wondering why she's like that."


No comments:

Post a Comment