5.07.2009

MANNY PACQUIAO WELCOMED AS HERO


Tama nga naman na umuwi na si Pacquiao dahil kahit sa Los Angeles hindi maiiwasang magpa-unlak siya sa mga fans siya at lalong malaking tsansa ang mahawa siya sa swine flu kug meron man sa LA. Isa pa ang mga politicians na nanonood ay nakauwi na rin.


Bagamat pinayuhan siya ng Department of Health (DOH) na ipagpaliban muna ang kanyang pagbalik sa bansa dahil sa banta ng A(H1N1) o swine flu virus, minabuti ni Pacman na ituloy ang kanyang orihinal na plano na umuwi sa ganitong petsa. Hindi rin inalintana ng Pound for Pound King ang lakas ng bagyong Emong, na rumagasa sa ilang bahagi ng Luzon.



"I feel so happy that I'm with my family right now, especially my children. I'm so happy there's a lot a people here today to welcome me," pahayag ni Manny.



Tulad ng ibang mga nagbibiyahe, dumaan din ang grupo ni Pacquiao sa normal quarantine procedures sa airport. Nakapasa naman silang lahat at walang nakitang problema sa kanilang kalusugan.



Hindi rin pinansin ni Manny ang babala ng DOH tungkol sa close contact sa pamamagitan ng paghalik, pagyakap, at pagkarga niya sa kanyang mga anak na sina Jimwell, Michael, at Princess nang tumapak siya sa arrival area.


"Mas lalong masama kung mag-stay kami nang matagal doon [Los Angeles] dahil maraming fans ang pumupunta sa amin para magpa-picture. Mas delikado baka mahawa pa team ko, mahawa ako. Kaya minabuti ko na umuwi kami para mas safe ang kalusugan namin," sabi ni Manny.



Sa pagdating ni Pacquiao ay nagkaroon siya ng maikling press conference. Nag-set up ng stage kung saan six feet ang layo niya mula sa reporters at well-wishers.



Pero hindi ito naging hadlang upang lapitan ng mga tao sa airport si Pacquiao para i-congratulate siya sa kanyang bagong tagumpay, sa pangunguna ni Environment and Natural Resources Secretary Lito Atienza at ng anak nitong si Ali.



Pinagkaguluhan din si Pacquiao sa Renaissance Hotel in Makati City, kung saan binalewala rin ng fans ang warning ng health officials against close contact sa Pinoy boxer, sa pamamagitan ng pakikipagkamay, pagpapa-autograph, at pagpapalitrato sa kanya.


"Masaya ako at maraming tao ang sumalubong, mainit pa rin ang pagtanggap nila. Nagpapasalamat ako sa kanila," sabi ni Manny sa panayam sa kanya ni Arnold Clavio sa Unang Hirit.



THANKSGIVING MASS & OTHER VISITS. Pagkatapos niyang mag-almusal at makapagpahinga ng konti ay dumiretso si Manny sa Quiapo Church kaninang alas-diyes ng umaga para sa isang thanksgiving mass.



Pagkatapos naman ng misa ay nagkaroon siya ng surprise visit sa tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Quezon City. Sinamahan siya ni DENR Secretary Atienza at ng anak nitong si Ali papuntang DENR office mula sa Quiapo Church.



Ayon sa report ng dzBB, pagkatapos ng kanyang pagbisita sa tanggapan ng DENR ay didiretso ang Pambansang Kamao sa tanggapan naman ng San Miguel Corporation sa Ortigas Center, Pasig City. Ang San Miguel ang isa sa major sponsors ni Manny.



Mamaya namang alas-kuwatro ng hapon ay naka-schedule na pumunta si Manny sa SM Mall of Asia sa Pasay City para sa isang free concert na hinanda ng GMA-7.

No comments:

Post a Comment