8.10.2010

Krista Ranillo weds

 Krista Ranillo who was rumored to be Manny Pacquiao's girl friend when they were shooting a film, married her childhood friend in Long Beach California.Krista Ranillo is the daughter of Matt Ranillo and the granddaughter of Gloria Sevilla.



Here is the excerpt of the news.

Naging very private ang Jewish wedding ceremony ng aktres na si Krista Ranillo at ng supermarket CEO na si Jefferson Niño Lim. Ikinasal ang dalawa noong August 8, Linggo, sa Hotel Maya na matatagpuan sa Long Beach, California U.S.A.

Ayon sa ulat ng GMA-7 News na lumabas nitong August 9, mga kaanak at malalapit na kaibigan lamang ng dalawa ang dumalo sa espesyal na okasyon. Ang ama ni Krista, ang beteranong aktor na si Matt Ranillo III, ang naghatid sa kanya sa altar.

Sinabi naman sa report ng ABS-CBN na naging mahigpit ang seguridad sa kasalan dahil walang media representative ang pinayagang mag-cover ng nasabing event. Pinagbawalan din daw ang magkabilang pamilya at iba pang invited guests na magbigay ng pahayag tungkol sa seremonya.

No comments:

Post a Comment