4.01.2009

Annabelle Rama is filing a case aganst PEP if there is no retraction

Despite the private conversations between Annabelle Rama and Jo-ann Maglipon, the talent manager and mother of Richard Gutierrez is filing a case against the PEP.



Kinumpirma kaninang 2:23 p.m., April 1, ni Annabelle Rama ang balita na sasampahan niya ng kaso ang PEP (Philippine Entertainment Portal) at ang mga tauhan nito dahil sa paninira sa kanyang anak na si Richard Gutierrez.

Ito ay sa kabila ng paghingi ng apology ng editor-in-chief ng PEP na si Jo-Ann Maglipon sa pamamagitan ng isang press conference kahapon, March 31.

Sinabi ni Annabelle na magkahiwalay na kaso ang isasampa nila ni Richard laban sa PEP.

"Si Richard ang kausapin n'yo tungkol doon. Ako, as a manager of Richard, itutuloy ko ang demanda ko sa kanila kasi, unang-una, hindi naman clear ang apology ni Jo-Ann Maglipon. Pinaikot-ikot niya ang mga press. Pinaikot-ikot niya lahat ng tao.

"Ang gusto ko, direct to the point. Walang incident na nangyari kaya idedemanda ang PEP at saka lahat ng tao na involved para lumabas yung dalawa nilang sinasabing witness. Gusto kong malaman kung saan nanggaling ang istoryang 'yan at gusto ko mag-file ng demanda as a manager."

RICHARD'S LAWSUIT. Bakit hiwalay pa ang demanda ni Annabelle sa demanda ni Richard?

"Iba yung demanda ni Richard kasi susulat pa ang lawyer ko sa kanila after ten days. Si Richard, number one na artista. Hindi ako nagyayabang, number one na artista, maraming commercials, may pelikula, sikat! Sinira nila ang pangalan ng anak ko sa istoryang mali kaya gagawin ko na magdemanda ako para matulungan ko ang ibang artista [na] inaapi-api nila sa PEP.

"Leksyon ito para sa kanila na hindi puwedeng mag-imbento ng istorya. Yung kay Richard, sobrang pag-iimbento ng istorya, sobrang imbento! Hindi ko alam kung saan galing ang istoryang 'yon! At gusto kong ilabas nila ang dalawang witness na sinasabi nila.

"Actually, marami ang naninira kay Richard. Gusto nilang i-down si Richard. Sa awa ng Diyos, siguro sa pagdadasal ko at ang bait-bait ng anak ko, ang bait ni Richard, ang bait ng pamilya ko, hindi pumapayag ang nasa Itaas na ma-down si Richard.

"Maraming gustong i-down si Richard. Hindi lang sa PEP. May mga nagte-text sa akin. Maraming imbento kaya nga natutuwa ako dahil si Richard, nagte-taping sa malayo para malayo sa gulo."

THE FATEFUL NIGHT. Ano sa pagkakaalam niya ang nangyari sa birthday party ni Direk Mark Reyes?

"Noong gabing 'yon, pinipigilan ko si Richard na pumunta sa party, baka 'kako may gulo. Sabi niya sa akin, 'Ma, magpapakita lang ako kay Direk, nakakahiya, direktor ko 'yan sa Zorro.

"Nagbiyahe pa si Richard from Bataan for four hours, wala pa siyang tulog galing sa taping para dumalo sa party 'tapos ito pa ang ipapalit nila sa akin, pag-iimbento ng kuwento? Galit na galit si Richard.

"Marami silang isinusulat na below-the-belt, nakakahiya sa ibang artista. At itong ginawa nila kay Richard, proven na talagang yung mga nilalagay sa PEP, hindi totoo. Example yung kay Richard, nagsalita na lahat ang mga witness na walang gulong nangyari. Nagsalita na yung direktor, sa party niya, walang nangyari.

"Yung supposed to be na kalaban ni Richard na si Michael Flores, nagsalita na rin na walang nangyari. Bakit ipipilit na may nangyari? Takot silang masira ang kanilang PEP? Sira na sila ngayon sa ginawa nila sa anak ko."

PHONE TALK WITH MS. MAGLIPON. Isinalaysay din ni Annabelle ang naging pag-uusap nila ni Jo-Ann sa telepono noong Sunday. "Kinonfront ko siya. Sabi niya,'Tatanggalin ko Annabelle kasi nakausap ng PEP si Michael, idinenay, wala raw nangyari.'

"Pati si Epy Quizon at kung sino pa yung mga nakausap nila, so pinull-out kaagad nila sa Internet yung mga pangyayari. Yung article.

"Ang sabi ko sa kanya, magdedemanda ako. Sabi niya, 'Ano gusto mong gawin namin para hindi ka na magdemanda?' Sabi ko, 'I-retract mo 'yon. Linisin mo ang pangalan ng anak ko, kasi maraming nakakabasa sa Internet na 'yan.'

"So, kahapon, hindi ako satisfied sa mga sinasabi ni Jo-Ann. Hindi satisfied ang buong pamilya ko. Kapag hindi pa siya mag-retract after receiving the letter from my lawyer, tuluy-tuloy na ang demanda sa kanila to clear Richard's name."

NO WORD OF HONOR? Ano ang reaksyon niya sa ipinahayag ng PEP editor-in-chief na walang isang salita si Annabelle kapag itinuloy niya ang demanda, na taliwas sa unang napagkasunduan nila?

No comments:

Post a Comment