3.06.2009

Annabelle Rama accuses Wilma Galvante of accepting money





Annabelle Rama is really mad. She did not only called Wilma Galvante crazy but she also accused her of accepting money from her.

This is story from PEP.



Ano ang masasabi ni Annabelle Rama tungkol sa advice diumano ng presidente ng GMA-7 na si Atty. Felipe Gozon kay Ms. Wilma Galvante na ipagtanggol ang kanyang sarili, pero "do not go down to her level," na ang tinutukoy ay ang controversial talent manager.



"Sinagot ko na 'yan last presscon, a! Sira-ulo siya!" ulit ni Annabelle. "Pinatulan niya ako, di ba? Nasa taas siya, pinatulan niya ako, e, di sira-ulo talaga siya! Uulitin ko, sira-ulo siya! Ano siya, bakya siya. Pumapatol siya sa akin. Yun lang!



"Isulat n'yo kung gusto n'yo isulat. Walang off the record sa mga sinasabi ko. Wala akong pakialam sa kanya kamo!" maanghang na patutsada ni Annabelle.



Dagdag niya, "At hindi ako naniniwala na sinabi ni Gozon 'yan. Kung manggagaling 'yan sa bunganga ni Gozon, saka ako maniniwala. Kasi siya [Wilma], Holy Week na Holy Week, nagsisinugaling siya. Mahilig siya mag-imbento ng kuwento. Lahat ng sinasabi ko, isulat n'yo! Wala akong paki! Hindi ako natatakot!



"Ipinaglalaban ko lang si JC. Kasi si JC, six years sa kanila. Hindi siya nabibigyan ng magandang project. Ang nagbigay kay JC ng magandang project, si Annette [Gozon-Abrogar ], hindi siya [Wilma]. Kay Annette ako dapat magpasalamat."



ON HER ALLEGED ABUSIVE BEHAVIOR. Ipinagtanggol naman ni Annabelle ang kanyang sarili sa sinasabing abusadong pag-uugali niya, na pati executive ng isang malaking network ay inaaway-away niya.



"Day, uulitin ko uli, ako, hindi ipinanganak na sira-ulo. Hindi pa ako nakatikim ng mental hospital. Hindi ako estupida, hindi ako tanga na magagalit, na magmumura ng walang dahilan. Ako, marami akong kilalang tao na kilala nila ako, tahimik ako. Hindi ako nagsasalita, hindi ako madaldal. Pero kapag inumpisahan mo ako, lahat ng klase ng daldal, lahat ng pag-eeskandalo, gagawin ko. Hindi ako mahilig magmura kung wala silang ginagawang masama.



"Kaya minura ko yung EP [executrive producer] nila, traydor din 'yon gaya ni Wilma. Kumukontak sa mga talent ko na may mga bagong show, dadalhin kung saan-saang probinsiya, without magpapaalam sa akin? Sino ang hindi magagalit? Sino ang matutuwa?



"Ano gusto n'yo, matutuwa ako? Kinukuha ang mga alaga ko? Dadalhin sa Baguio, kung saan-saan? Dadalhin sa Davao, kung saan-saan? Hindi magpapaalam sa akin? Talagang mura ang aabutin nila sa akin! Buti mura, hindi ko siya sinabunutan, 'no!



"Hindi ako abusado," paglilinaw ni Annabelle. "Kasi kung abusado ako, bakit hindi nila [GMA-7] i-release si Richard? Ire-release ko lahat ng alaga ko! Hinahamon ko sila! Kung abusado pala ako, ayaw nila sa akin, e, di okay! I don't really care. May talent ang mga alaga ko at magaganda. Magaling umarte. Nagre-rate sila. Number one sa rating tatlong alaga ko. O, laban siya? 'Asan ang mga alaga niya? Nagma-manage siya, wala naman rating! Nakakahiya kamo siya!



"HINDI NABIBILI ANG INTEGRIDAD NAMIN." Kinuha rin ng entertainment press ang reaksiyon ni Annablle sa sinabi ni Ms. Wilma na hindi nabibili ang integridad ng kahit sinuman sa mga opisyales ng GMA-7.(Click here to read related story.)



"Mukha siyang pera!" buwelta ni Annabelle. "Ngayon pa lang, sasabihin ko sa inyo, okay, pag-renew ng kontrata ni Richard, binigyan kami ng advance. Gusto mo malaman ang price? Five million!



"Inaasahan niya, bibigyan ko siya ng 10 percent, manigas kamo siya! Hindi, hindi ko siya bibigyan. Binigyan ko siya, five thousand dollars! Hindi yata siya happy kaya nakasimangot siya. Tapos ang usapan. Bukuhan pala gusto niya, bubukuhin ko talaga siya!



"Isa pa, umaasa siya sa 10 percent [commission], pumunta kami sa Amerika, panay ang parinig sa akin. O, di bunot na naman ako ng pera ko. Tatlong libo [US$3,000] naman ang ibinigay ko sa kanya. O, ba't siya nag-e-enjoy sa pera ko? Di niya tini-treasure? Ang bag, ang mga alahas ko, puro suot niya! Kulang pa ba 'yon? Di ko nga nabigyan si Ethel Ramos, si Ethel nga ang nag-ano sa akin, nag-discover, hindi ko nabigyan ng ganoong kalaki. Siya pa?



"Hindi komisyon ang tawag doon. Kasi, napapansin ko kasi siya. Pag pumipirma kami ng kontrata, ako, ako wise, alam ko kung ano gusto niya-datung! Automatic ako na nagbibigay sa kanya. Kasi ipinaparinig niya, 'O, 'Day ha, nilakad ko na 'yan kay Atty. Gozon. O, ayan ha, may pera ka na diyan. May pambaon ka na.' Alam ko na 'yon ang ibig sabihin no'n. So, ang pagkakamali ko lang, hindi ko naintindihan, gusto lang pala niya na mangomisyon ng 10 percent! Ang ibinigay ko lang sa kanya, US$5,000. Pambaon niya doon sa Canada kasi may sakit daw ang nanay niya. Kulang pa ba 'yon? Kulang pa ba 'yon. Huwag siya magmalinis, 'no! Marami pa ako baho niya na sasabihin ko sa kanya kapag nagmalinis pa siya!



"Huwag na siyang magdadamay ng iba. Siya lang ang kalaban ko. Siya lang. Huwag siya magdamay ng ibang tao. Kaso, mga officer niya, mga amuyong niya, takot na takot sa kanya. Takot na takot sa kanya kaya huwag na siyang magdamay ng ibang tao. Siya lang ang kaaway ko. Siya lang ang aawayin ko!



"Duwag pala siya! Pa-presscon-presscon siya! Duwag pala siya. Hinahamon ko siya ngayon din," panghahamon ni Annabelle.




No comments:

Post a Comment