8.08.2008

NATIONAL PRESS CLUB, GALIT SA JOKE NI JOEY

Hindi nga naman nakakatawa ang sinabi ni Joey de LEon na ang kaniyang lola ay pumapatay ng mga press people. How irresponsible and insensitive can he get?

Excerpt from PEP.

Umalma ang dalawang grupo ng mga mamamahayag sa ginawang pagpapatawa ng komedyante at TV host na si Joey de Leon sa noontime show na Eat Bulaga! noong Miyerkules, August 5.



Labis daw na nainsulto ang National Press Club (NPC) at Alyansa ng mga Filipinong Mamamahayag (Afima) sa binitiwang pahayag ni Joey sa "Ang Joke Mo" segment ng Eat Bulaga.



Nagbibiruan sina Joey at mga iba pang hosts ng show na sina Vic Sotto at Jimmy Santos nang sabihin diumano ni Joey ang ganito: "Wala ‘yan sa lola ko. Ang lola ko pumapatay ng mga press people."



Sinabi ng NPC at Afima sa isyu ng tabloid na Bandera ngayong araw, Agosto 8, na "insensitive" ang ginawang patawa ni Joey sa kanilang segment sa Eat Bulaga!



Ayon sa ulat ng Bandera, ang mga katagang binitawan ni Joey ay "masyadong masakit" para sa hanay ng mga mamamahayag na unti-unti nang nababawasan dahil sa mga walang habas na pagpatay sa mga ito.


How can people respect this comedian who vents his anger to press people just because one editor pissed him off?

No comments:

Post a Comment