1.17.2008

CAMILLE PRATS married her non-show biz fiancee

Camille Prats wed her non-showbiz fiancee Anthony Linsangan, the father of her soon-ro be born child. The simple wedding was held in Los Angeles, California on January 5, 2008.

Here is the news from GMA7.

Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) na makausap ang soon-to-be mom na si Camille Prats via Yahoo! Messenger (YM) kahapon, January 16.

Ayon kay Camille, ang nakalagay raw sa due date niya ay January 27, pero sinabihan na rin daw siya ng kanyang OB-Gyne na anytime ay pupuwede na siyang manganak. Hindi raw ibig sabihin na kung ano ang due date na nag-register sa ultrasound ay doon nga eksaktong naipapanganak ng ina ang kanyang sanggol.

Sa pakikipag-chat ng PEP kay Camille, na nasa Los Angeles, California ngayon habang hinihintay ang pagsilang ng kanyang first baby, nakumpirma namin mula sa young actress ang balitang nagpakasal na sila ng ama ng kanyang magiging anak na si Anthony Linsangan.

Ayon kay Camille, last January 5 sila ikinasal ni Anthony sa Los Angeles, California na rin. Dagdag pa ng dating child actress, simple lang ang naganap na kasalan at pamilya lang nila ang present.

Obviously, isang reason na rin siguro nina Camille at Anthony na magpakasal ay para gawing legal ang pangalan ng anak nila once na maisilang na ito.

Ayon pa kay Camille, there will still be a church dito sa Pilipinas, although "no exact plans yet for the church wedding. As soon as the baby's out, aayusin namin."

Sa ngayon, ang ina na lang ni Camille na si Mrs. Alma Prats ang naiwan at kasama nila ng husband niyang si Anthony sa paghihintay ng kanyang panganganak. Her dad, Dondi Prats, ay umuwi na rin daw sa Pilipinas last week after their wedding.

Kuwento ni Camille, definitely raw ay uuwi sila ng Pilipinas once na naipanganak na niya ang panganay nilang anak, na papangalanan nilang Nathaniel Ceasar Linsangan na ngayon pa lang ay tinatawag na nila sa nickname nito na Nathan.

Pero tulad ng magiging church wedding nila, wala pa rin daw definite date kung kailan sila makakauwi sa Pilipinas. Sabi pa ni Camille, bagama't may kaba siya sa araw ng kanyang panganganak—kahit sinabi raw sa kanya ng kanyang doctor na malaki ang possibility na mai-deliver naman niya nang normal ang bata—gustong-gusto na raw niyang makita at mayakap ang kanyang si Nathan


,,

No comments:

Post a Comment