6.22.2007

In this Corner of the Universe -Kris Galit ulit kay James Yap

Dear Mga Kafatid na Nasusunog ang Niluluto sa kapapanood ng The Buzz,

Baka tama yong isinulat doon sa isang article na hindi magtatagal ang marriage ni Kris Aquino at James Yap.
image of Kris Aquino uploaded by starsinamillion.blogspot.com
Talaga yang na-"fall out of love siya" ay nagiging bukambibig niya kay James.
Pero sabi ag istorya naman ay nasa Boracay ang dalawa. Second honeymoon o nag-uusap ng masinsinan?


Kris, James spotted in a posh Boracay resort


Pagkatapos ng mala-teleseryeng kontrobersiya sa pagsasama ng mag-asawang Kris Aquino at James Yap—kung saan iniugnay si James sa dating empleyado ng Belo Medical Group na si Hope Centeno—ay may nagdududa pa rin sa katatagan ng samahan ng dalawa.

Nakatanggap ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ng balita na muntik na naman diumanong maghiwalay sina Kris ay James. Ayon sa balita, nito raw Sabado, June 16, ay nag-walkout daw si Kris kay James at sinabing: "I just fell out of love."

Ngunit bago pa man maimbestigahan ang insidenteng ito—kung totoo nga o hindi—ay may bagong balita na nakalap ang PEP kani-kani lang. Namataan diumano ngayong araw sina Kris at James sa mamahalin at eksklusibong Discovery Shores sa Boracay.

Ayon pa sa aming source, wala raw ibang kasama sina Kris at James. As in, walang alalay, yaya, at mga bata—ang anak nina Kris at James na si Baby James at ang panganay ng TV host-actress na si Josh. Ang bulung-bulungan tuloy, ito na ang honeymoon ng mag-asawa pagkatapos ng kanilang pagbabalikan.

Ikinasal sina Kris at James sa isang sikretong civil wedding sa bahay ni Boy Abunda noong July 10, 2005.





Laughingly yours,

uploaded by starsinamillion.blogspot.com


Technorati tags:

,,,,,,

No comments:

Post a Comment