12.27.2006

Sino nga ba ang Top Grosser sa MetroManila Film Festival?

Aber, pakisabi nga sa akin my fairy Godmother? Ano kamo nawala ang iyong magic wand.

Eh bdi ba kagagamit mo lang na pangkamot sa likod? Sensiya na kayo readers, uminom kasi ng apple cider ang aking fairy godmother kaya parang timang. Ano kanyo, apple cider lang natitimang na?

Aba lumaklak ka ba naman ng isang case, dahil sale sa CVS, pag di ka naman natimang, eh pukpukin ninyo ang ulo ng katabi ninyo.

BALIK tayo sa top grossers.

Eh sino pa nga bah eh di si Enteng Kabisote. Mantak mo nga namang ang Turd World country natin ay karaming bata, di patok nga ang pelikulang pambata. Wala silang keber kung may istorya o wala. Tsee.


Ito raw ang unofficial na naghahabulan (ewan ko kung nagkaabutan na sila) na mga pelikula.
1. Enteng Kabisote, P21.4-M

2. Kasal, Kasali, Kasalo, P12.9-M

3. Shake, Rattle & Roll 8, P9.9-M

4. Matakot Ka sa Karma, P5-M

5. Super Noypi, P4.76-M

6. Zsa Zsa Zaturnnah Zee Moveeh, P2.9-M

7. Mano Po 5: Gua Ai Di, P1.9-M

8. Ligalig, P1.5-M

9. Tatlong Baraha, P1.3-M


Ang Mano Po 5 daw ay humahabol. (Umabot kaya?) Kaya lang naman daw maliit ang kita dahil kulang ang pelikula. Siguro yong tagalagare (yon po yong nagbibisekleta para madala ang kopya ng pelikula sa iba't ibang sinehan) ay natatraffic o kaya eh nakikipagtsikahan pa sa mall. O di va? Kweber niya kung ang dami ng komersiyal na na ipalabas.


,,

No comments:

Post a Comment